♫
bakit ganito ang life? today masaya, tomorrow malungkot, tapos masaya na naman, tapos malungkot na naman... hindi ba pwedeng palaging masaya?
i know, ganito talaga ang life. and once malalampasan mo ang mga challenges, napakasarap ng feeling. it's just that it sucks talaga kapag nasa struggling stage ka pa lang. nakakatempt bumitiw, pero alam mong hindi pwedeng bumitiw. lucky ka kung may natitira ka pang sanity sa utak mo.
actually, i was supposed to write an open letter to God here. first time ko yang gagawin [sana] sa blog na ito. pero as i let my fingers type whatever just comes to my mind, naku, eto ang lumabas. madramang entry. madrama at malabo.
ewan ko nga ba kung bakit ganito ang natype ko. ewan ko rin kung bakit malungkot ako ngayon. nakakainis yung times na naiinis ako sa sarili ko dahil naiinis ako. gets? yun yung mga times na hindi dapat ako naiinis pero naiinis ako at dahil naiinis ako eh mas lalo akong naiinis. syet.
isa pang example ng cycle na annoying: nagkakaroon ako ng rashes dahil stressed ako tapos lalo akong nasestress kapag may rashes ako. you know what that means: more rashes. ARRGH. para matigil ang progression, nagtetake na lang ako ng gamot. hahai. don't worry, hindi naman ito pinagbabawal na gamot. kaso, hindi rin OTC. sana naman mawala na ang skin asthma ko... este, atopic at seborrheic dermatitis pala. (sayang naman ang pag-undergo ko ng biopsy kung hindi ko gagamitin yung medical terms.) (gumasto ako para sa biopsy para lang malaman ang sakit ko.)
so, nagyawyaw na talaga ako. hehehe. ewan ko ba. gusto kong bumalik na lang sa kahapon. ang saya ng araw ko kahapon. ang saya... bakit kaya? hehe... C=
sa ngayon, kailangan kong mag-empake. hindi ako maglalayas ha. may kailangan akong puntahan. di ko alam kung dapat ba akong ma-excite or whatever. ang akin lang is, honestly, may doubts ako about going. my body is too tired and (actually) sick. pero kailangan kong pumunta. so ang prayer ko na lang ngayon is sana masaya ang growth session... growth session ng choir namin.
about choirs... nami-miss ko na ang pagkanta. i love music. but lately, it seems to hate me. ewan ko lang ha. i just need to be happy. yun naman ang palagi kong issue eh (nang hindi ko sinasadya). (meaning, hindi ko ginagawang issue pero lumalabas lang palagi na yun ang issue ko: gusto kong maging masaya palagi.) ewan ko nga ba. kaya nga ganyan ang description ng blog ko eh...
*************
i miss you...
Tuesday, October 16, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment